Samiweng. Daniw. Sarita. Salaysay. Damdamag, Kdpy.

Jun 4, 2016

Masakit Man [Sa Puso't-Damdamin]


               [i]
 Huwag mo na akong isipin
 Kaya ko naman itong tiisin
 Ang paglayo mo sa akin
 Pipilitin na kitang limutin

               [ii]
 Mga gabing di ako mapakali
 Sa nangyari di kita masisisi
 Alam kong mahal pa rin kinta
 Kahit ika'y pag-aari na ng iba

               [iii]
 Alam kong magbabago ang lahat
 Tanggapin kung ito'y aking kapalaran
 Iyan ang nais mo wala akong magawa
 Pagmamahal mo sa iba sana masaya ka

               [iv]
 Masakit man sa puso't-damdamin
 Pipilitin ko upang kita'y limutin
 Magwakas man ang lahat sa atin
 Hanggang kamatayan kitang iibigin

               [v]
 Masakit man sa puso't-damdamin
 Bago ako lalayo gusto kitang yakapin
 Upang madarama ang pag-ibig ko
 Sa lahat ng panahon maaalala mo



-MASAKIT MAN [Sa Puso't-Damdamin]
 [Ang Tula]
 Titik ni Rudy Ram. Rumbaoa

 *Magiging Tagalog Original Composition

No comments: